ANG YABANG NA HAMON NI BRIAN BADDAO

ANG YABANG NA HAMON NI BRIAN BADDAO
(Disclaimer Document)

NAGHAHAMON NG DEBATE - I


Brian Baddao


SINO ANG TAONG ITO? 
Siya si Brian Baddao na nagkakalat ng kaniyang kayabangan sa facebook forums lalo na sa mga debates na bara bara sya ang laging gustong bumida.   Sa umpisa ng aking pagkakilala sa kaniya dahil sa tapang at lakas ng loob magsalita at mambara sa kaniyang mga kausap, nagawa kong mag chat sa kaniya ng private sa layuning gusto ko sanang magbahagi din ng academic na argumento at makuha ang kaniyang panig sa isang progresibo at positibong talakayan sa pagkakaalam kong parehas din kami ng sektang kinabibilangan.

Nabigo ako't nagulat, may kakaibang ugali pala talaga ang taong ito na dumating sa pontong ako ay kaniyang pinagyayabangan at ginawa niya ito sa publikong kalagayan na sanay sa isang pribadong talakayan sa kalagayang siya naman ay napapabilang sa sektang ako ay ma lisensya bilang isang lehitimong ministro at mangagawa. Nabanggit ko pa sa kaniya na kung may mga aral man na may magkaiba ang pananaw ng gustong pag-usapan ito,  ito ay tinatalakay sa isang conference among ministers at sa tamang forum at venue, hindi sa mga membro at lalo sa publiko.

Ang isang internal dispute kung tawagin ay maselang isyu at ito ay maingat na tinatalakay at inaayos sa loob ng organisasyon at ng mga liders nito alinsunod na rin sa moral ascendancy, hindi sa labas o sa publiko.

Aking napagtanto, bastos pala talaga ang ang taong ito at mayabang.  Sa aming pag-uusap, humantong ito sa pagmamayabang niyang kapag ako daw ay magtuturo ng mali, pupunta raw siya sa local church na aking pinangangasiwaan upang ako daw ay kaniyang ipapahiya sa aral kong dala na batay sa kaniyang assessment daw ay kontra at hindi umubra sa dala nyang aral na hindi naman ang tindig ng organisasyon sa kabuuhan.  Inulit nya at binanggit din nya ito muli sa video na kaniyang pinadala at pinagkakalat sa social media via FB na nasa taas.    

Dahil dito, minarapat kong kilalanin sya ng husto at inalam ang kaniyang pastor na ikagulat ko, kaibigan ko pala at kasama sa section ng mga ministro na kinabibilangan ko rin.  Di na rin ako nag-atubili i background check ang taong ito sa pastor kong kaibigan at kasama.  Sa level ng pag-uusap ng pastor sa pastor, aking nalaman mga bagay na di pala kaaya aya (sa dahilang inamin din nya rin naman sa nakaraang pag-uusap sa social media na siya ay hindi rin naman aktibo sa gawain ng mga panahon na yon.)   Sapat na ito upang malaman kong may problema nga pala talaga sa integredad ang impostor na nagpakilala pang ebanglihista ah este ebanglihista sya lang din ang naggawad nito sa kaniya, pagbubuhat ng sariling bangko ika nga.  Hindi ba't katawa tawa?  Naging ebanghelista ang isang taong walang disiplina? Naging ebahelista ang isang taong hindi pinatungan ng kamay mga lider ng organisyon sa ilalim ng World Mission Department?

Nagawa pa niya at kaniyang mga kasamang kaniyang naakay na  tawaging tsismoso daw ang pastor na kaniyang pinanggalingan dahil nagsasabi ito ng totoo sa akin bilang pastor din upang iwasan sya. Gumamit muli ng pangalan ang taong ito upang e justify ang pag-ankin nya at pakilala sa FB account na siya ay isang ebanghilista sa katawagang Evangelist Brian Baddao na ang pastor daw nya ang nag-appoint bilang maging isang ebanghelista na umangkin din sya saklaw ito sa organisasyong akin din kinabibiblangan.

Ang organisasyong na parehas pala kaming kabilang ay may sinusunod na patakaran sa pag-oordina o sa pagkakaloob ng mga ebanghilista sa national level man, district level o sa sectional level na ito ay ginagampanan sa pangangasiwa ng Department ng World Mission.  Ano ang layunin ng taong ito na kinakabit nya sa pangalan nya ang pagiging evangelist at nagpakilalang kaanib at kabilang din sa organisasyon samantalang di naman ito official na pinakilala  ng mga opisyals ng organisasyon?  Ito ang ginamit nyang dahilan upang magkakaroon ng authority para pangaralan at sawayin daw ang mga pastors ng organisasyon yamang siya daw ay isang ebanghelista.

Tungkulin ba ng ebanghelista at pakialaman at pangaralan ang mga pastors?  HINDI, ang mensahe ng ebanghelista ayon na rin sa misyon at kaniyang pagkakatawag alinsunod sa format ng organisasyon batay sa biblical na patakaran, siya ay mangaral ng isang uri ng mensahe, ang tungkol sa PAGSISISI, BAUTISMO SA PANGALAN NI HESUS, BAUTISMO SA ESPIRITU o KALIGTASAN NG KALULUWA sa kabuuhan at ito ay sa mga baguhan at di pa nakakakilala sa Panginoon, taliwas sa maling akala ng taong ito na pwede raw nyang pangaralan ang mga pastors samantalang hindi naman rin naman siya licensed minister lalo't ordained minister sa organisasyon at wala ding pagkakilanlan sa kaniya kahit katiting ng pagkakaroon ng spiritual ministry o spiritual giftings.


NAGHUHURUMENTADO SA GALIT?
Humantong sa matinding galit ang taong ito na siya din naman ang may kagagawan at tunay na may problema.  Tinatakot ako kuyog niya kaniyang mga kamag-anak upang ako'y takutin at idedemanda.  Hanggang doon lang pala at biglang tumahimik at ako'y sa kanila din ay umiwas na.  Sapat na sa akin, mga taong ito hindi na dapat bigyan pa ng pagpapahalaga. 

Dahil sa galit sa akin ang taong ito, gumagawa ito ng paraaan upang galitin ako at himukin pa ang iba na kaniyang sasakyan ito lalo na ang mga katunggali sa debate para lang ng kakampi at simpatya. 

Higit tatlong taong nangyari ang mga bagay na yon na sa paglipas ng panahon, ito na naman sya, masama ang tabas ng dila at panay ang paratang sa akin ng huwad na di naman nya kailan nagawang mapapatunayan.  Upang tapusin ang isyu at bigyan sya ng pagkakataon at upang itindig nya ng matibay, patunayan na totoo ang kaniyang paratang,  hinahamon ko sya sa isang formal debate na may proper rules na susundan at may moderator's na mamamagitan upang mapanatili ang kaayusan. 

Ako ay naki-ayon na rin sa isang proposition na sya ang pumili at wala akong ambag dito kundi sa layuning matuloy lang ang formal debate na pabor pa sa kaniya. 

Ang ahas ay sadyang tuso, instinct nito ay tumakas, magtago at magpakalayo, ngunit kung kapag naipit na, ito'y manunklaw at mangangat na.  Ito rin ang kaniyang ginawa sa akin na lantad ang laman ng isip at puro ng taong ito, sa mukha palang at kaniyang pananalita mapapansin na.  Sa video nyang ipinadala, kayo na ang humusga.  Formal debate in academic purpose sa video chat na walang rules at moderator ang tahasang idinadahilan at upang makapagtago.  Ito ang mga sinabi nya sa video na kaniyang pinadala bilang ALIBI upang walang formal debate na tinawag pa niyang pambata daw ito pala.  :)


"Pastor Carl, ulitin ko yong hamon ko sayo ulit no kasi, mukhangah di tayo nagkakaintindihan. Ok, yong ganitong paraan ng pagvivideo… ito yong debate na… na.. gusto ko… na gawin natin.  Di yong ka’, ah ano… dyan sa written debate, ok?  Mas maganda, mas kita mukha natin di ba?  

Tsaka si brother ah, Lowed Montebon sinabihan ko na sya na wag ka ng patulan pa.  Nag-aaksaya siya ng panahon sayo.  Ok? Kasi gusto ko ako yong makaharap mo sa debate na walang denayan, di ba yong kita makikita talaga sa video yong bibig mo bumubuka doon sa… ano,  kung ano ang sinasabi mo. Para Makita natin talaga, yong tindig mo matibay talaga.  Hindi yong puro copy/paste, search sa google.  Hindi ganun.  Makikita talaga natin yong reasoning mo, at papatunayan ko sayo, na si Hesukristo, na Anak ng Dios ay may kalikasang Dios, yan ang papatunayan ko sa yo.

At uulitin ko sayo napakasimple lang patunayan yan napakadali nyan hindi ako pagpapawisan, hindi sa nagyayabang ako.  Hindi ako pagpapawisang patunayan yan sayo.  Ok?  Pero kong written debate lang, wala pag grade school sa akin pang baby lang yan.
So kung talagang matibay ng loob mo, matigas na ang buto mo, kaya mo na talagang panindigan yang aral mo… ito nga sabi ko sayo eh, kung nasa personal lang kung ndyan ako sa Pilipinas, sarili mong church pupuntahan kita. Ipapamukha ko sa mga membro mo na yang aral mo nayan ay isang kalokohan. Ok? So yon lang sinabi ko lang sayo, pumayag ka lang tanggalin mo yang dahilan mong at mga excuses mo. Ok?  Yon lang!”  - Brian Baddao        

Gusto kong isaisahin dito sa mga pinagsasabi ni Brian Baddao at ipakita na talagang walang alam ito at hindi gumamit ng utak sa bawat kataga ng kaniyang pagmamayabang tulad na lang sa sinabi nyang ang "written debate" daw ay pang grade school lang daw ito o pang baby.  Dito palang, di na sya gumamit ng tamang logic, bakit kamo?  May baby bang nag-eengage sa isang formal debate?  May mga grade school bang mga baby? 

Sa susunod, gusto kong himayhimayin ang mga sinabi nitong taong ito sa video nya at ipakita ang kaniyang basurang argumento.  Ginamit lang nya ito upang gawing ALIBI para di sya makakaharap sa isang formal debate na alam na alam ko TAKOT na TAKOT sya.  

KAYO RIN MGA GILIW NA TAGASUBAYBAY ay malayang magpahayag sa inyong mga obserbasyon sa video na ito.  Shalom to your houses. :)

FORMAL DEBATE NA ACADEMIC ANG APPROACH ANG NAIS KONG HUMARAP DITO KAY Brian Baddao MAUUWI LANG PALA SA BARA BARA NYANG ALAM. 



NAGHAHAMON NG DEBATE- 2


ANG ORIHINAL NA HAMON NG FORMAL DEBATE NAUWI SA PAGTAKAS

Ang orihinal na hamon ng Formal Debate ay nauwi sa kaniyang rektang pagtakas. Ginamit nya ang video chat debate daw dahil alam nyang imposible itong mangyari dahil alam nyang noon pa ay di ako gumagamit ng videocam at nabanggit ko na rin sa kaniyang wala din akong headset.

Nakasanayan ko na ang makipag communicate through chats kung social media ang pag-uusapan aking pinapaliwanag at ito ay katotohanan, at binigay ko nga ang aking cellphone number sa kaniya para ako ay matawagan kung gusto talagang ako'y makausap ng rektang kumonikasyon.  Ito ay malinaw na paraan ng pagkatakas ng taong ito ng malaman nyang sinang-ayunan ko na siya mismo sa sarili na gusto nyang proposition na di ko na ito nais baguhin pa upang matuloy na nga ang hamon nyang Formal Debate na siyang aking pinapaburan.

Sa mga sumusubaybay at interesadong sundan ang Formal Debate na hamon ng taong ito sa akin ay nagawan na ng thread sa isang forum na may proper rules ng formal debate at may moderator nang nakaabang kasama ang mga admins na syang magbabantay.  Dahil sa takot ng taong ito sa aking palagay upang kaharapin ako sa formal debate, gumawa siya ng alibi na gusto daw nya ng video chat debate kami sa isang dahilan nyang ipinipilit, na gusto raw nyang makita ang bibig kung magsasalita ng mga bagay na ayon din sa aking tindig.

Nakuha nya pang magyabang na sabihing ang formal debate online daw na may formal debate rules at may moderator/s ay pangbata daw ito at pang baby upang ipalagay nya muli at itaas ang kaniyang sarili na magaling at ang tama daw ay ang debate na walang rules at wala ding moderator/s.  Ito ang patunay ng thread na tinakasan ng taong ito at binaboy nya pa sa kaniyang pagmamayabang na di ginalang ang nakakaraming sumusubaybay na excited na sanang matunghayan ito.

Narito ang thread ng formal debate forum na inayos at inihanda ng admin at creator ng debate page, tingnang mabuti:



Si Bryan Baddao ang naghamon sa akin at sya din ang gumawa ng proposition na akin daw tindigan, sa madaling salita, ako ang unang maglatag ng aking presentation sa gusto nyang topic at mismong sya ang nasusunod, at wala syang nakitang reklamo o pagtutol ko sa gusto nya, kundi ito ay aking sinang-ayunan para matuloy lang ang hamon nya sa akin ng debate. Ngunit, bakit parang naduwag ang taong ito ay ayaw nya ng kumasa sa formal debate online na may moderator at may proper rules na sinusundan?

Ito ay nauwi sa kaniyang pananakot?

Hindi pa nakuntento, sa thread din na kung saan dapat ay ituloy ang aming formal debate online na binastos nya at binaboy ay nagawa pang ako ay takutin at gumagawa pa ng diversionary tactics na iniiba ang isyu at nagpaparatang ng huwad at dinamay pa ang iba lalo na ang pastor na di naman kasama sa usapan na pinapaniwala pa niyang binanggit ko raw at pinagkakalat na pinapalabas ko raw na tsismoso ang pastor na ito at pinapalabas ko raw na sinisiraan daw ng pastor (na siyang kasama ko rin naman sa aming section ng Laguna), ang kaniyang pamilya at kung ano ano pang huwad na mga paratang.

Kina copy/paste pa nya ang isang post ng pastor na kasama ko na nabuyo nya at napaniwala sa kaniyang huwad na paratang upang ako ay siraan.  Walang kaalam alam ang pastor na dinamay ng taong ito ang kaniyang mga pinagagawa na kasamaan na gusto nyang siraan kaming magkasamang pastor sa parehas na probinsya.  Ito ang sinabi ng pastor na kasama ko na walang kaalam alam.


Pinapalabas nitong si Brian Baddao na kinakaladkad ko raw ang pangalan ng pastor na siyang kasama sa FB sa paratang ng taong ito na sinisiraan daw ng pastor kong kasama ang kaniyang pamilya para lang sa obvious na dahilan na magkasamaan kami ng loob ng pastor nyang siya din pala ang bumanggit at kinaladkad ang pangalan nito sa FB, hindi ako as observing ministerial ethics. 

For Reference FB thread (click this link)


NAGHAHAMON NG DEBATE - 3

PANANAKOT NG DEMANDA
Di pa nakuntento, tinakot pa ako ng taong ito may maitim na budhi na ako daw ay idedemanda ng libel batay na rin sa kaniyang mga huwad na mga paratang at nagyayabang pang maghanda daw ako ng pera dahil sa kaniyang gagawin.  Bakit ako ang maghahanda ng pera eh hindi naman ako ang magdidemanda, tanong ko sa kaniya.  

Ang alam ko ay P50,000 pesos ang acceptance fee ng isang abogadong kaniyang kunin kapag kaniyang ituloy ang kaniyang out of ignorance at mapangahas na binabalak, at sa PAO o public attorney's office lang naman ako kukuha ng abugado sa aking depensa?  Tugon nyang may pagmamayabang ulit, pinsan daw niya kasi ang anak na abugado daw ni Cong. Edcel Lagman.

Naisip kaya ng hambog na taong ito after ng kaniyang demanda ay ako naman ang pwedeng magkakacounter at marami akong mga kausap na pwedeng magbigay sa akin ng mga abugado na hindi ko muna pangalanan?  Ito ang pagmamayabang sa akin ni Brian Baddao at pananakot sa isang private message niyang pinadala sa akin.




Ano daw?  Pinsan nya daw ang anak ni Edcel Lagman (leftist at anti-duterte admin.) na si Atty. Rona Lagman.  Sa inyong may alam sa kalakaran at may matataas na pinag-aralan, sino ngayon ang dapat kasuhan ng libel daw at wala sa hulog ang mga pinagagawa at mga sinasabi?  Sino ngayon ang bistadong nangangaladkad ng mga pangalan para gamiting panakot?  Ako tinatakot sa kinakaladkad nyang mga pangalan? Ano ang kinalaman ng isang politikong aktibista at kumakalaban sa pamahalaan?  LOL!


BAKIT BA GANUN NA LANG ANG GALIT NG TAONG ITO SA AKIN?
(susunod)





See more of my disclaimer
http://church-matters.blogspot.com/2017/07/my-disclaimer-to-false-allegations.html

 






Comments

Popular posts from this blog

The Truth About Reckart's Group

FORMAL DEBATE WITH THE PROPOSITION "THE ETERNAL FATHER IS THE ONE THAT MANIFEST IN THE FLESH"

MODERN TIME DECEPTION