Posts

Showing posts with the label kwento

Kwentong May Kwenta

Relihiyon O Relasyon? Ang kahulugan ng relihiyon ayon sa diksyonaryo ay isang kapamaraan ng tao upang mapalapit sa Dios.  Normal na sa tao ang mapaghanap sa Dios sa dahilang mayroong puwang sa puso niya na hindi masasagot at mabigyan ng kasapatan ng ano mang bagay sa mundo.  Ang Dios mismo ang may desenyo nito. Isang desperadong binata na nalululong sa droga na ilang beses ng pumasok labas ng rehabilitation center  ay nakikilala ni Joseph.  Kanya itong pinaliwanagan tungkol sa dakilang pag-ibig ng Dios.  “May pag asa pa kaibigan ang buhay mo, lumapit ka lang at manumbalik sa Dios,” ang wika niya sa kaniya.  Ilang sandali pa lang ay napaluha na ang binata at niyakap ng nakilalang kaibigan, at sinabi, “Mahal ka ng Dios, kaibigan.”  Nagpapatuloy ang kanilang pagsasama sa pag-aaral ng Bibliya.  Di naglaon nagbago ang kaniyang pananaw at nagsimulang magbago ang kaniyang buhay simula ng tanggapin niya ang Panginoon Hesus. Napansin ng mga magulang ang kaniyang pagbabago na si