Kwentong May Kwenta

Relihiyon O Relasyon?

Ang kahulugan ng relihiyon ayon sa diksyonaryo ay isang kapamaraan ng tao upang mapalapit sa Dios.  Normal na sa tao ang mapaghanap sa Dios sa dahilang mayroong puwang sa puso niya na hindi masasagot at mabigyan ng kasapatan ng ano mang bagay sa mundo.  Ang Dios mismo ang may desenyo nito.

Isang desperadong binata na nalululong sa droga na ilang beses ng pumasok labas ng rehabilitation center  ay nakikilala ni Joseph.  Kanya itong pinaliwanagan tungkol sa dakilang pag-ibig ng Dios.  “May pag asa pa kaibigan ang buhay mo, lumapit ka lang at manumbalik sa Dios,” ang wika niya sa kaniya.  Ilang sandali pa lang ay napaluha na ang binata at niyakap ng nakilalang kaibigan, at sinabi, “Mahal ka ng Dios, kaibigan.” 

Nagpapatuloy ang kanilang pagsasama sa pag-aaral ng Bibliya.  Di naglaon nagbago ang kaniyang pananaw at nagsimulang magbago ang kaniyang buhay simula ng tanggapin niya ang Panginoon Hesus. Napansin ng mga magulang ang kaniyang pagbabago na siyang ikinagagalak nila at hindi na siya naging problema sa tahanan.  Ngunit ng malaman nila na ito ay sumamasama sa pagsisimba sa mga taong nakakilala sa Dios at naglilingkod kay Hesus, ito ay kanilang hinahadlangan at binabalaan. 

Masasamang salita ang kaniyang naririnig sa kaniyang relihiyosong mga magulang.  “Huwag na huwag kang sumasama sa mga taong iyan na hindi katulad  ng ating relihiyon.  Mas gustuhin pa naming bumalik ka sa bisyo sa pag-aadik at pagnanakaw kaysa sumasama ka sa kanila.”   Katakot takot na pagbabantay at pagbabanta ang kanilang ginagawa.  Hanggang sa walang nagawa ang binata,  bumalik sa dating  masamang inpluwesiya ng mga barkada at bisyo. Lalo pang itong lumala.  Ilang beses itong dinalaw ni Joseph sa bahay nila at madalas na sinasabi ng mga magulang na siya’y wala sa kanilang tahanan at dapat huwag na siyang hanapin. 

Isang araw dumaan  si Joseph sa bahay ng kaniyang kaibigan at nais niyang ulit kamustahin siya.  Nguni’t malungkot na balita ang kaniyang nalalaman. Ang kaibigan niya ay naoverdose ng droga at kasawiang palad, binawian ng buhay dahil dito. Isang kaawaawang binata, biktima ng karukhaan ng karunungan at unawa. Ito ang naghatid sa kaniya sa isang malungkot na wakas.   Ilang eksena ang kahawig nito ang mangyayari pa? 

Ayaw ng Dios na isa man ay mapapahamak bagkus nais niya na ang lahat ay makapagsisi.  Buksan ang isipan, talasan ang pang unawa.  Ano ba ang tama?  Wika ni Hesus, “Naparito ang magnanakaw (kalaban, Satanas) upang magnakaw, pumuksa at pumatay, ngunit ako’y naparito upang magbigay ng buhay”. 

Tunay kaibigan, makakamtan lamang natin ang tunay na relasyon sa Dios sa pamamagitan ng pagkaalam sa katotohan.  Hindi ang relihiyong ipinagmalaki ang napako sa krus at may tunay na malasakit sa tao.  Si Hesus ang dapat kilalanin ng husto.  Tanggapin siya ng buong buhay at buong puso.  “Siya lamang ang daan, katotohanan at ang buhay…” ito ay wika niya. Ang makilala siya sa kapamaranan ayon sa kaniyang mga salita ang nararapat na paraan at hindi sa kapamaraanan na gawa lamang ng tao.

Bakit tanggihan ang mag-aral u tumanggap ng pag-aaral ng Bibliya kung marami naman ang buhay ang nabago at nagtamo ng kapayapaan? Ano pa’t naging mabuti din ang kalagayan nila sa buhay at si Hesus na ang kanilang itinataas at niluluwalhati.  

Masaganang buhay dito sa lupa at buhay na walang hanggan ang kaniyang pangako. Hindi pa huli ang lahat.  Mahal ka ng Dios, mahal na kaibigan!” MAHAL KA NI HESUS! 

Comments

Popular posts from this blog

The Truth About Reckart's Group

FORMAL DEBATE WITH THE PROPOSITION "THE ETERNAL FATHER IS THE ONE THAT MANIFEST IN THE FLESH"

MODERN TIME DECEPTION