MY NEGATIVE STATEMENT OF THE PROPOSITION "GOD BECAME A MAN" OR "GOD BECAME FLESH".
- Get link
- X
- Other Apps
- AN ARGUMENT REFUTING THE AFFIRMATIVE STATEMENT OF CONSTANTINO CARASI A.K.A. JOSE HIBALER of the proposition "GOD BECAME A MAN".
My Constructive Argument (Negative Statement)By: Pastor Carl CortezProposition to be refuted (Pahayag na pasisinungalingan):“Be it resolved that the Scriptures teach that God became a man.” ("Nawa'y maging malinaw na ang mga Kasulatan ay nagtuturong ang Dios ay nagkatawang tao.")PanimulaKatulad ng isang kawal, ang mandirigma ay dapat maging handa sa pagharap suot at bitbit ang lahat ng kailanganin sa pakikipagbaka na alam nyang ito ay mahahalaga kagaya ng taong maninindigan itayo ang kaniyang Affirmative na posesyon. Puno siya ng tibay ng loob gaya ng isang bayani. Siya ay may tikas na itinataas ang kaniyang espada na kumikinang sa araw. Ang espadang iyon hinugot mula mismo sa talim ng Banal na Kasulatan, ang Biblia. Nais kong ipalasap ang bagsik ng espadang nagtataglay ng dalawang patalim maya maya, pagtapos na ang mukha ng kaniyang bandila ay lalagapak mismo sa pisngi ng lupa. Ako'y maging katulad ng isang binatang lalaking haharap sa kaniya na walang ano mang suot na pampabigat lamang sa katawan. Ngunit ako'y haharap na may lakas mula sa Dios at ng Kaniyang katotohanan na syang aking gagamitin laban sa mga humahabol at nais lumapa sa kawan ng Dios, ang makikinis na mga bato aking pinili mula sa batis ng Buhay.Ang Biyaya at kahabagan mula sa nag iisa at walang hanggang Dios at sa Kristong anak ng Kaliwanagan sumasa ating lahat.Mga "Makikinis na mga bato"Narito ang nakamamatay na "mga bato" na nais kung ibaon sa gitna ng mga mata ng kamalian ng (Trinity). Ang isang bato ay may kakayahang magpabagsak nang matatayog na kuta ng kasinungalingan na patuloy na lumapastangan sa pangalan ng tunay at nag-iisang Dios sa KATAASTAASAN.UNANG BATO: Ang Dios ay nagkatawang tao o naging tao"God became Man"? -- Ang term na “nagkatawang tao /became man” ay ginamit earlier ng mga Trinitarians to mean, “made human, become flesh or materialized.” Saan kinuha ng mga Trinitarians ang metamorphic doctrine na ito? Ito ay kinuha nila sa Juan 1:14. Sinabi ni Constantino “John 1:14 na ang Dios ay nagkatawang tao...” Tama ba ito? Ating suriin:“And the Word was made flesh, and dwelt among us… (At ang Salita o "Logos" ay nagkatawang tao, at nananahan sa gitna natin.)”Tingnan, Ang "Salita" -- hindi DIOS – ang nag “materialized.” Tumitingin sila sa isang non-existing concept! Hallucination, mga larawan mula sa mga bagay na haze and shadows. Mayroong tatlong mistranslated Scriptures na nagdala sa kanila nitong “Nagkatawang tao na Dios" na delusion: Ang King James Version of John 1:1, 1Ti 3:16 and 2Co 5:19.a) John 1:1 -- “In the beginning was the Word, and the Word was with GOD, and the Word was GOD.” -- If this translation is correct, then there were two GODs co-existing in the beginning -- GOD and the Word-GOD! It must be wrong; two GODs are impossible. Batay sa lahat ng Greek manuscripts ang proper rendition of John 1:1 is: “… and GOD was the Word.” (1394 Wycliffe Bible)“En archee en ho Logos, kai ho Logos en pros ton THEON, kai THEOS en ho Logos.” (Robinson/Pierpont Byzantine Greek New Testament, Wescott-Hort Greek New Testament, Textus Receptus and Combined Greek New Testament Manuscripts)“…καιG2532 AND θεοςG2316 GOD ηνG2258 [G5713] WAS οG3588 THE λογοςG3056 WORD.” (Greek New Testament Interlinear)Katulad din naman na totoo sa lahat ng Latin versions:“In principio erat Verbum et Verbum erat apud Deum et Deus erat Verbum.” (Latin Vulgate, Clementine Vulgate 1598, and Nova Vulgata)Oxford scholar, John Wycliffe ay ang kaunauhahan nagsalin nito ng tama sa English ngunit hindi lamang siya ang nag iisa:West Saxon Gaspel -- “On FRYMÐ WÆ word & þt word wæs mid gode & god wæs þt word.”1535 Miles Coverdale Bible and Concordant Literal Version -- “… and God was the word."Exegeses Companion Bible -- “… and Elohim was the Word.”Apostolic Bible Polyglot -- “… andG2532 [GodG2316 wasG1510.7.3 theG3588 word].”G3056Biblia Christiana – “… and GOD was the Word."“GOD was the Word” means, “GOD was the Word of Life.” (1Jo 1:1) In other words, “GOD is Life.”Narito ang isa pang mistranslated na talata na nagdadala sa phantasm, that “GOD was with God”:IKALAWANG BATO: "HE" was the word ("SIYA" ang salita)? o "was the word? (ay ang salita)? Bias na translation very obvious upang ipilit palabasin ang aninong at haze na nakikita ng mga trinitarians na tumutukoy sa ikalawang persona ng Dios. Ito ay hallucination dahil hindi ganito ang pagkasalaysay sa origihinal na pagkasulat ni Juan.a) Ang pinakamalapit na rendition sa sinabi ni Juan sa kaniyang sulat sa Juan 1:1, ay naisulat sa Greek na salita. Ginagamit nila ang Septuagint or LXX noong kapanahunan nila na kung saan ang Septuagint ay Greek translation ng Hebrew Bible. Sa Greek din naisulat ang Bagong Tipan. Tingnan ang panlilinlang ng mga trinitarian bible translators sa Tagalog translations:Sa Greek:“En archee en ho Logos, kai ho Logos en pros ton THEON, kai THEOS en ho Logos.”Sa English: (Malinaw ang paglalahad sa itaas ayon sa maraming patotoo)"In the beginning was the Word, and the word was with God, and God was the Word."Tagalog Translations na gawa ng mga Trinitarians:"Sa pasimula ay ang Salita, at ang Salita ay sumasa Dios, at ang salita ay Dios.” (NPV)"Nang pasimula siya ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios." (TB)"Nang pasimula ay naroon na ang Salita; ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos" (MBB)Tingnan ang panlilinlang ng mga trinitarian bible translators na siya ding iginigiit ni Sir Constantino pilit pangatawan kahit malinaw na lumalayo na ito sa tunay na Greek rendition o di kaya'y sa tunay na pahayag ni Juan isiningit nila ang salitang "SIYA" UPANG BIGYAN ITO NG IBANG KATAUHAN, ang DIOS anak:"Nang pasimula SIYA ang Verbo, at ang Verbo ay sumasa Dios, at ang Verbo ay Dios." (ADB)"En archee en ho Logos" means in the beginning was the word HINDI In the beginning HE was the word". Sa verse 2 din ng ADB translations ang Word was described na, "ITO rin nang pasimula'y sumasa Dios (neuter form) HINDI "SIYA" rin... na (masculine form).IKATLONG BATO: Dios Anak o Anak ng Dios? – Pinanghahawakan ng Trinitarians ang isang phony notion na si Hesus ay Dios Anak. Paanong nakakatayo ang ganitong aral samantalang wala man lang ni isang talata sa Bibliya na bumabanggit nito? Siya o ang Kristo ay tinawag na anak ng Dios hindi Dios Anak. Ito ang dahilan kung bakit iginigiit ng mga trinitarian scholars at bible translators ang version malinaw na bias kaya Dios daw ang nagkatawang tao na kasama ng Dios mula pa sa simula. Kalapastangan ito ng pananampalataya ng pagkakilala sa Dios ni Abraham at ng kaniyang lahi.Isaias 45:21-22"Kayo'y mangagpahayag, at mangagpasapit; oo, magsanggunian silang magkakasama: sinong nagpakilala nito mula nang mga unang panahon? sinong nagpahayag niyaon nang una? hindi baga ang Panginoon? at WALANG DIOS LIBAN SA AKIN: ISANG GANAP NA DIOS at Tagapagligtas; WALANG IBA LIBAN SA AKIN.Kayo'y magsitingin sa akin, at kayo'y mangaligtas, lahat na taga wakas ng lupa: sapagka't ako'y Dios, at WALANG IBA LIBAN SA AKIN."Isaias 42:8"Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang AKING KALUWALHATIAN AY HINDI KO IBIBIGAY SA IBA, o ang AKIN MANG KAPURIHAN sa mga larawang inanyuan."Isaias 48:11"Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka't, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang KALUWALHATIAN KO AY HINDI KO IBIBIGAY SA IBA."Kung DIOS nga anak o may "Dios Anak" na siyang binigyan ng katauhan ni Sir Constantino kasama ng Dios sa Juan 1:1 ng pasimula, lumalabas, sinungaling ang DIOS ng sabihin nyang "WALA" na Siyang ibang Dios na nakilala at may Dios liban sa Kaniya!PANG APAT NA BATO: Ang God sa "and the word was God" ay di ginamit na pangalan o noun kundi pang-uri o adjective na tumutukoy sa word.Napatunayan na ang bias na ginawa ng mga trinitarians na ipinilit nilang palitan ang orihinal na pagkabanggit nito sa Greek. Paanong naging theos ang pagkasabi nito kung pang-uri ang pagkagamit nito sa greek grammar? Lumalabas na mariing pinalitan ito ng mga trinitarians ng theos instead of theios na tumutukoy sa logos na siyang panukala na nagkatawang tao. Tinawag itong sugo sa Kaniyang lumalang sa kaniya o "begotten" of the father as begotten son ayon sa kautusan at gawa mula sa babae (Gal. 4:4).PANG LIMANG BATO: (Ireserve ko na lang din muna ito) Apat na talata daw ang bumanggit na na nagkatawang tao ang Dios "VERBATIM" o WALA ni isang talatang mababasa ang salitang "NAGKATAWANG TAO ANG DIOS".Ang GIANT SWORD ay sa conclusion o sa pagwakas kuna bubunutin mula sa tagiliran ni Sir Constantino.CONCLUSION/PANGWAKAS: (to be continued...)
- Get link
- X
- Other Apps
Comments
Post a Comment