Paglalahad ng Kasaysayan ng Wikang Hebrew
KASAYSAYAN NG WIKANG HEBREW Pagtatatuwa: Ang pahinang ito ay magbibigay ng pasimulang paglalahad lamang ng kasaysayan ng sulat Hebrew o Hebrew script at hindi nito tinangkang palitan ang masusing pag-aaral ng paleolinguists at iba pang kasanayan sa larangan ng sinaunang sistema ng pagsusulat. Tungkol sa Katawagang "Hebrew" Hebrew (Ivrit: ) ay tawag sa isang pinakamatandang salita o language sa buong mundo. Ang katawagang ito nagmumula sa Eber ('ever) ( ), ang anak ni Shem; 'ever ay nagangahulugang "region across or beyond" mula sa ugat na salitang ang ibig sabihin ay paglampas o pass over. Shem ay tinawag na , "ang ama ng lahat ng anak ni Eber" (Gen 10:21); at kaya ang Hebrew na lahi ay tinawag na Shemites o sa kilalang bansag na Semites. Sa mga kasulatan, ang Hebrew ay ginamit na pang-uri o adjective ( ) tukuyin ang mga Hudeo o Jews na "mula sa ibang lugar" o "from the other sid...